2LT National News

Nakatikim ka na ba ng gatas ng kalabaw’

Jun 23, 2020

Masustansya at mayaman sa protina, bitamina, at mineral ang gatas ng kalabaw.

Ginagamit din ito sa paggawa ng iba pang mga produkto tulad ng yogurt, kesong puti, pastilyas, at sa sikat ngayong milk tea.

Para sa mga lumaki sa gatas ng kalabaw, higit na mas malinamnam daw at mas makrema ang carabao’s milk kumpara sa mas nakasanayan na cow’s milk.

Sa mga naghahanap pa rin ng pampalusog na inuming ito, lalo na sa mga taga Metro Manila, alam mo ba na may nagtitinda pa rin ng sariwang gatas ng kalabaw na matatagpuan sa Lungsod ng Maynila?

Ito ay ang Don Dairy, na matatagpuan sa 1448 Prudencio St., Sampaloc, Manila. Dito maaaring makabili ng carabao’s milk at iba pang milk at dairy products na gaya ng chocolate milk, lactojuice, flavored carabao’s milk, yogurt, kesong puti, at siyempre cow’s milk, at iba pa.

Noon, inilalako pa ang gatas ng kalabaw sa mga bahay-bahay, ngunit ngayon, upang mapanatili ang kalidad nito, maaari mo siyang orderin sa pamamagitan ng telepono bilang 825-121-63 o bisitahin ang Don Dairy PH Facebook page upang maipadeliver ang napiling produkto sa iyong bahay.

Pwede ka rin magtungo mismo sa Don Dairy at doon na bumili ng kanilang mga produkto. “We source our milk from select local dairy farms and pasteurize with world-class technology in our facility. Our location in the Metro ensures freshness for our customers,” ayon sa kompanya.

“Don Dairy PH delivers guaranteed fresh carabao’s milk in all its goodness, in 200-ml and 1-litre bottles, available in plain, coffee and chocolate flavors,” paalala nito.

“Our team at Don Dairy PH believes in making fresh, rich, nutritious, and wholesome dairy accessible to all Filipinos. We seek to elevate the local dairy market not only with our high-quality products but also through educating the community about the many advantages and benefits of milk,” dagdag pa nito.

Puspusan naman ang paalala ng National Dairy Authority (NDA), isang attached agency ng Department of Agriculture (DA), na sa pag-inom ng gatas ay ‘di lamang napapanatili ang malusog na pangagatawan, gayundin nakatulong tayo sa mga Pilipinong magsasaka at negosyante.

Ayon sa Philippine Carabao Center, hindi pahuhuli ang kalidad ng gatas ng kalabaw sa mga imported milk mula sa Australia at New Zealand. Kaya naman, dapat na pag-ibayuhin at suportahan ang carabao milk industry na hindi lamang nagbibigay ng dagdag na pagkakitaan, kundi malaking tulong sa nutrisyon ng mga Pilipino.

Sa kabilang banda, matapos ang isang Senate hearing na pinangunahan ni Senator Cynthia Villar, napag-alaman na mababa pa rin ang kabuuang produksyon ng gatas ng bansa.

“Dairy production is only at one percent, while the other 99 percent of the demand were all imported, ani Villar.

Ayon sa senador, mas makatutulong sana ang mas mataas na local dairy production para mapababa ang presyo ng gatas sa merkado at maging higit na abot kaya sa kamay ng mga mamimili ang masustansyang produkto.

Iniugnay pa ng mambabatas ang pagkakaroon ng sapat na nutrisyon ng batang Pilipino sa pagiging “responsive” nito sa edukasyon at mas magandang academic performance.

Sumang-ayon naman dito ang DA at nangakong tataasan at palalakasin ang dairy production ng bansa. (PIA-NCR)